51

Feb 6, 2018 @ 8:28
By

LTFRB awat na sa pagtanggap ng application sa Uber, Grab

HINDI na muna tatanggap ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng bagong aplikasyon para sa Uber at Grab.

Ayon kay LTFRB Board member Atty. Aileen Lizada ang desisyon ng ahensya ay upang mapagtuunan munang asikasuhin ang mga naunang aplikasyon na kanilang natanggap noong nakaraang taon.

Matatandaan na una nang sinuspinde ng LTFRB ang pagtanggap ng bagong transport network vehicle services (TNVS) at sinabing sa 2018 na sila tatanggap ng bagong aplikasyon subalit muli itong sinuspinde.

Ipinaliwanag ni Lizada na kanila munang aayusin ang sistema sa TNVS kasama na dito ang pagtukoy sa kung ilan na ang kabuuang mga pending applications gayundin ilan na lamang sa mga may prangkisa ang aktibong pumapasada.

“Tatapusin muna namin yung independent audit sa TNVs kasi may mga driver na hindi na aktibo at yung iba kailangan tanggalin dahil sa isyu ng foreign ownership” paliwanag ni Lizada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?