11

Jul 17, 2020 @ 14:01
By

LSI na babae, nagdala ng COVID-19 sa Tagbilaran

Nagdala ng coronavirus disease sa Tagbilaran City ang isang locally stranded individual (LSI) na nanggaling sa Cebu City.

Kaya nagtala ng bagong COVID-19 case sa Tagbilaran at ayon kay Bohol Gov. Arthur Yap nagmula ito sa locally stranded individual (LSI).

Hinayag ni provincial government spokesperson on COVID-19-related matters, Dr. Cesar Tomas Lopez na lahat ng LSIs mula sa Tagbilaran City na nagpositibo sa coronavirus test ay ganap nang naka-recover at hindi na sila kasama sa mga active case.

Pero makalipas ang ilang oras, sinabi ni Mayor John Geesnell Yap II na positibo ang 25-year-old na babae na dumating sa Tagbilaran City, galing ito sa Cebu City.

Agad naman na inilikas ang pasyente at dinala sa kanilang quarantine facility.
May 748 na LSIs ang dumating sa Tagbilaran City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?