8

Sep 16, 2020 @ 17:08
By

LSI ban sa Western Visayas, inalis na

Maaari nang makabalik sa kani-kanilang probinsya sa Western Visayas ang mga locally stranded individual (LSI) sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang partial lifting ng suspensiyon sa pag-uwi ng mga residente sa Region 6.

“We confirm that the temporary suspension of inbound travel of returning residents in Region 6 composed of Iloilo City and the provinces of Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, and Antique has already been lifted,” ani Roque.

Magugunitang pansamantalang sinuspinde ang pag-uwi ng mga LSI sa Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Antique at Iloilo City dahil sa hiling na rin ng mga LGU bunsod ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa kanilang mga lugar.

Sa kasalukuyan ay nasa modified enhanced community quarantine ang Lanao del Sur, Bacolod City at Iligan City.

Kabuuang 7,955 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, 124 ang pumanaw habang 4,404 ang nakarekober.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?