99

Dec 23, 2017 @ 18:40
By

LRT ticket machines, ‘di pa tanggap ang mga bagong barya

Kinakailangan pa na i-calibrate ang mga ticket vending machines sa LRT 1 para tanggapin ang mga bagong P5, P1 at P10 barya na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ang pahayag ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang operator ng LRT 1.

Ayon sa LRMC, maaaring sa darating na Mayo pa tanggapin ng vending machines ang bagong disenyong barya na kinatatampukan.

Dagdag pa ng korporasyon, sinimulan naman na ng AF Payments Inc., ang concessionaire ng Automated Fare Collection System ng LRT 1, ang re-calibration ng mga makina.

Ngunit paliwanag ng LRMC, ang re-calibration ay gagawin pa sa Germany at tatagal ng limang buwan.

Maaari namang ipapalit ang mga bagong barya sa luma sa mga teller sa mga LRT 1 station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?