36

By

LRT maghihigpit sa ‘door policy’ sa kanilang mga tren

Sharing is caring!

Hindi na dapat magtaka ang mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) kung magiging mahigpit na ang mga guwardiya sa mga istasyon sa operasyon ng mga pintuan ng mga tren.

Hindi na rin dapat madaliin ng mga pasahero ang pagbubukas ng pinto at hindi na rin dapat sumingit sa mga papasaradong pinto.

Ito ay matapos maglabas ng direktiba ang Light Rail Management Corp., ang operator ng LRT, ng direktiba sa kanilang mga guwardiya na bantayan ang mga pasahero na nakatayo sa mga pintuan ng mga bagon.

Kasunod na rin ito ng hindi pagsasara ng pintuan ng isang bagon habang bumibiyahe mula Vito Cruz station hanggang Quirino Station noong Lunes.

Bago ito, isang pasahero naman ang nakaldkad ng bagon nang maipit ito dahil sa paghabol sa papasaradong pinto. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?