9

By

LRT, ire-rehab sa Hulyo

Sharing is caring!

Sasailalim sa dalawang taon na rehabilitation works ang train sets ng LRT sa Hulyo, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Ngunit agad nilinaw ng LRMC na hindi maaapektuhan ang kanilang operasyon dahil mayroon pa silang 95 tren na gumagana at ang mga ito ang naunang sumailalim sa rehabilitasyon noong 2007.

Sa pahayag ng LRMC, ang mga aayusin na mga tren ay ang kanilang Generation-2 light rail vehicles na halos dalawang dekada na ang edad.

Ayon kay Rochelle Gamboa, tagapagsalita ng LRMC, maaaring pabilisin na lang nila ang andar ng mga bibiyaheng tren para hindi humaba ang pila sa mga istasyon.

Aniya, naglaan na ng P450 milyon para sa pagsasaayos ng kanilang mga tren na tatagal ng hanggang 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?