6

Jun 11, 2021 @ 21:56
By

LRT-2 libre sakay sa Independence Day

Bilang paggunita sa ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Sabado, June 12, magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority Line 2 (LRT-2).

Ayon sa LRT-2 management, mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi ang kanilang libreng sakay.

Inanunsyo rin ng LRT-2 management na mula June 22 ay babawasan na nila ang biyahe ng ilan nilang istasyon bilang paghahanda sa pagbubukas ng Marikina at Antipolo stations.

Dahil dito, bibiyahe lang ang kanilang mga tren mula Araneta Center-Cubao Station papuntang Recto Station sa Manila at pabalik.

Nauna nang nag-anunsyo ang MRT-3 ng libreng sakay sa Araw ng Kalayaan sa kaparehong mga oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?