13

Dec 29, 2020 @ 20:55
By

LRT-2 libre sakay sa Dec. 30

May alok na libreng sakay bukas, December 30, 2020 ang LRT-2.

Ayon sa anunsyo ng pamunuan ng LRT-2, bilang paggunita sa ika-124 na anibersaryo ng kamatayan ni Jose Rizal, mula 7:00 hanggang 9:00 AM at 5:00 hanggang 7:00 PM ang oras ng libreng sakay.

“Bilang pakikiisa ng @OfficialLRTA sa paggunita ng ika-124 na anibersaryo ng KABAYANIHAN ni DR. JOSE RIZAL, handog namin ang LIBRENG SAKAY bukas, ika-30 ng Disyembre, taong 2020 sa mga oras na nakasaad. Maligayang paglalakbay!” tweet ng LRT-2.

https://twitter.com/OfficialLRTA/status/1343886624589926400/photo/1

Samantala, sa December 31 ay paiikliin ang oras ng kanilang operasyon dahil sa inaasahang pagbaba ng bilang ng pasahero at upang maipagdiwang din ng mga tauhan nila ang pagsalubong sa Bagong Taon kapiling ang kanilang mga pamilya.

Huling train schedule ay 7:30 ng gabi, Cubao (Westbound) at Recto (Eastbound).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?