170

May 19, 2019 @ 12:22

LRT-2 balik operasyon matapos ang banggaan

Balik operasyon na ang Light Rail Transit 2 (LRT-2) nitong Linggo ng umaga matapos ang banggaan na naganap sa 2 tren noong Sabado ng gabi.

Nagkabanggaan ang 2 tren ng LRT-2 sa bahagi sa pagitan ng Cubao at Anonas stations sa Quezon City, noong Sabado ng gabi kung saan ay 34 ang nagtamo ng injury.

Matapos ang insidente, siniguro ni Light Rail Transit Authority spokesperson Hernando Cabrera ang publiko na ang pamunuan ng LRT-2 ay kumikilos upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

“The incident that happened is an isolated incident. Our system, our trains are safe and we assure our public that we will do our best to do our job and whatever due diligence to ensure the safety of our passengers,” aniya. (Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?