94

Mar 16, 2020 @ 23:07
By

LRT-1 tigil operasyon na simula Marso 17

Bilang suporta sa gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus (COVID-19) sa bansa, pansamantalang sususpendihin ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang LRT-1 operation epektibo sa Martes, Marso 17.

Tatagal ito hanggang Abril 12, 2020 o mas maaga pa depende sa abiso ng gobyerno.

“Your health and safety remain our top priority. We would like to request for your understanding at this time,” sabi sa advisory ng LRMC.

Ang LRT-1 ay may istasyon sa Baclaran, EDSA, Libertad, Gil Puyat, Vito Cruz, Quirino Avenue, Pedro Gil, United Nations, Central Terminal, Carriedo, Doroteo Jose, Bambang, Tayuman, Blumentrit, Abad Santos, R. Papa, 5th Avenue, Monumento, Malvar, Balintawak at Roosevelt.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?