6

Sep 2, 2020 @ 14:52
By

LRT 1 nagkaaberya

Naantala ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) nitong Miyerkoles ng hapon dahil sa depektibong tren.

Ayon sa LRT 1, inimplementa ang speed limit na 15 kilometer per hour mula Baclaran hanggang Roosevelt dakong alas-12:24 ng tanghali.

Alas-12:31 ng tanghali ay hininto muna ang biyahe mula Baclaran hanggang Roosevelt para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero dahil sa nasirang tren sa 5th Avenue Station northbound.

Hanggang nitong alas-12:55 ng tanghali, lahat ng 20 istasyon ng LRT 1 ay nasa “green and go” status.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?