39

By

LRT 1 magtataas ng pamasahe – LRMC

Sharing is caring!

Inihayag ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na kailangan nang taasan ang pamasahe sa LRT Line 1.

Ayon kay Light Rail Manila Corp. President at COO Juan Alfonso, ang nagpapatakbo ng LRT Line 1, napapanahon nang taasan ang pamasahe dahil malaki na ang epekto sa kanilang operasyon ng nararanasang inflation sa bansa.

Paliwanag ni Alfonso, kung noon ang palitan ng dolyar ay P49 lang kontra dolyar ngayon ay P53 na kaya’t para mabayaran nila ang P10 bilyon na investments ng mga investor ay kailangang taasan ang pasahe.

Ibinida pa ni Alfonso na malaki na ang pagbabago sa takbo aniya ng LRT dahil nagkaroon na ng maraming bagon at kung dati ay anim na minuto ang interval ngayon aniya ay tatlong minuto na lang ang interval dahil inaayos na nila ang 40 km na viaduct wall.

Dagdag pa nito, bago nila ipatupad ang fare increase ay magsasagawa sila ng konsultasyon sa buwan ng Hulyo upang mabatid ang opinyon ng mga mananakay.

Giit pa ni Alfonso, dahil sa isinagawang rehabilitation program ay naging matibay na ang LRT Line 1 at ayaw nilang singilin sa gobyerno sa halip ay sa commuters dahil sila ang direktang nakikinabang dito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?