197

Feb 24, 2018 @ 16:04
By

LRT 1 at LRT 2, tatapatan ang MRT-3

Tiniyak ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na mapapadali na ang pagbibiyahe ng mga pasahero matapos na lumagda sa isang P450 million agreement ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) habang ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) naman ay abala sa karagdagang konstruksyon para sa west at east bound lanes sa Marcos Highway.

Ayon kay LRMC President and Chief Executive Officer Juan Alfonso, nasa 24 na generation 2 light rail vehicles (LRV) ang kukumpunihin sa loob ng dalawang taon katuwang ang industrial company na Voith Digital Solutions Austria GmBH and CO KGH.

Layunin nito ang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng generation trains ng LRT-1 na sakaling matapos ay inaasahang magpapabilis pa sa travel time ng mga pasahero ng linya ng tren.

Samantala, sinisimulan na ang konstruksyon ng platform ng LRT-2 sa west at east bound lanes ng Marcos Highway para sa platform ng Emerald Station ng LRT-2.

Layunin nito na madagdagan ang linya ng LRT-2 para sa kombinyente ng mga pasahero mula sa Taguig, Pateros, Makati, Marikina, Quezon City at Pasig area na sakop ng bagong linya.

Habang tila nauunsyami naman ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line -3 (MRT-3) dahil sa patuloy na pagkasira nito lalo pa at sa alanganing oras o sa rush hour pa tumitirik ang MRT-3.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, unting-unting inaayos ang mga tren at riles ng MRT-3 mula sa bagong maintenance service provider nito na kinuha ng DOTr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?