5

Nov 1, 2020 @ 10:33
By

LRT-1, LRT-2, MRT-3 tigil-operasyon kay ‘Rolly’

Matapos ilagay sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 ang Metro Manila, sinuspinde na ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), at LRT-2.

Inanunsiyo ito ng Department of Transportation sa Facebook ngayong Linggo ng umaga. Effective immediately anila ang nasabing tigil-operasyon.

Dagdag ng DOTr, naghahanda na rin ang Philippine National Railways (PNR) sa paghinto ng kanilang biyahe.

“Passengers and employees who are already on trains and stations will be ferried to their destinations,” ayon pa sa ahensiya.

https://www.facebook.com/DOTrPH/posts/1861494573989670

Sa 8 a.m. bulletin ng Pagasa, sinabing nakataas sa TCWS No. 5 ang Albay at Camarines Sur.

TCWS No. 4 naman sa National Capital Region at 13 pang lugar.

Sa ngayon, taglay ni Super Typhoon “Rolly” ang lakas ng hangin na hanggang 225 kph at pagbugso na hanggang 310 kph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?