122

Oct 31, 2017 @ 13:54

LPG price hike ngayong Undas

Nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang kumpanya ng langis sa bansa epektibo kaninang hatinggabi.

Sa abiso ng Petron Corporation, dakong alas-12:01 ng hatinggabi, nagtaas ito ng P0.30 sa presyo kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P3.30 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito.

Bukod sa LPG, tinaasan din ng Petron ng P0.20 kada litro ang kanilang Xtend Auto-LPG na ginagamit sa taxi.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya tulad ng Solane at Total sa kaparehong dagdag-presyo sa LPG at Auto-LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan. (Armida Rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?