34

Oct 16, 2017 @ 13:14

LPA sa Mindanao, tropical depression na

Naging tropical depression na ang low pressure area (LPA) na sa Mindanao, ayon sa PAGASA.

Namataan ang bagyong nitong alas-3:00 ng madaling araw 1,055 kilometer east ng Mindanao.

Ang cyclone ay may maximum winds na 55 kilometers per hour at bilis na 65 kph. Kumikilos ito west northwest sa bilis na 15 kph.

Ayon kay Gener Quitlong, PAGASA’s weather specialist, ang cyclone ay malapit sa borderline at maaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.

Maaring maging isang tropical storm ang cyclone at papangalan itong Paolo kapag pumasok na sa PAR.

Hindi pa apektado ang panahon sa bansa dahil malayo pa aniya ito sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?