26

Oct 23, 2020 @ 16:31
By

LPA sa Mindanao bagyong Quinta na

Lumakas bilang tropical depression ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Mindanao nitong Biyernes ng hapon.

Tatawagin itong bagyong Quinta, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Naging tropical depression ang LPA dakong alas-2 ng hapon.

Gumagalaw ang bagyong Quinta pa-northwest sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?