161
LPA sa Ilocos, posibleng maging bagyo
Jul 18, 2019 @ 16:08
By

LPA sa Ilocos, posibleng maging bagyo

Napanatili ng bagyong Falcon ang kanyang lakas habang papalayo sa bansa.

2 patay kay ‘Falcon’

Sa kabila ng inaasahang paglabas ni “Falcon” sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi (July 18) posible itong masundan ng isa pang bagyo dahil sa naispatang low pressure area (LPA) sa Sinait, Ilocos Sur sa loob ng 48 oras.

Bagyong Falcon: Lalaki nalunod sa Cagayan River

Sakaling mamuo bilang bagyo, tatawagin itong “Goring”.

Bantay Falcon: Signal No. 2 sa Batanes, 4 pang lalawigan nasa Signal No. 1

Bunga nito, magpapatuloy, ayon sa PAGASA, ang bahagya hanggang sa malakas na ulan sa Luzon.

‘Falcon’ lumakas bilang tropical storm

Gumagalaw si “Falcon” sa bilis na 20 kph silangan ng Calayan, Cagayan na may maximum winds na 65 kph at pagbugsong 80 kph.

Ang southwest monsoon o habagat umano ang nakakaapekto sa Luzon at Western Visayas.

Makakaranas naman ng ulan na dulot ng LPA at habagat ang Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Ilocos at Cordillera Regions, Zambales at Bataan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?