63

Jan 11, 2020 @ 20:51
By

LPA pumasok na sa PAR

Pumasok na nitong Sabado sa Philippine area of responsibility (PAR) ang isang low pressure area (LPA).

Ayon sa PAGASA, huling naispatan ang LPA sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Pumasok ito bandang 3:00 ng hapon.

Hindi ito direktang makakaapekto sa bansa pero magdadala naman ng mahinang pag-ulan at maulap na kalangitan ang northeast monsoon o amihan.

Maliit din ang tsansa na maging bagyo ang LPA.

Mararanasan ang mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora at Quezon gayundin sa Metro Manila, iba pang parte ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?