952

By

LPA posibleng maging bagyong Falcon

Maaari umanong maging bagyo sa Martes ang low pressure area (LPA) sa Pacific coast na magpapalakas sa southwest monsoon o “habagat”.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa 1,380 kilometro silangan ng Mindanao nitong Sabado ng umaga.

Posible anilang pumasok ang LPA sa Philippine area of responsibility sa Linggo, July 14.

Sakaling pumasok sa bansa, tatawagin itong “Falcon”.

Inaasahan namang magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan, Visayas, at Mindanao hanggang Linggo ang trough o extension ng LPA.

Habang ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ay makakaranas ng isolated rain showers dahil naman sa localized thunderstorms.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?