63

Jul 15, 2021 @ 22:00
By

LPA posibleng maging bagyong Fabian

Isang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng PAGASA dahil posible itong lumakas bilang bagyo.

Ayon sa PAGASA, nagsimula na ring makaimpluwensiya sa lagay ng panahon ang southwest monsoon o habagat.

Sa susunod na 24 hanggang 36 oras, maaaring maging tropical cyclone ang LPA na nasa silangan ng Northern Luzon.

“Meron tayong nabuong isang low pressure area sa loob ng PAR. Aasahan po na maulap na kalangitan at kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat, pagkulog sa Ilocos Region at maging sa Abra at Benguet.

“‘Yong isa pa nating mino-monitor na LPA nasa labas pa rin po ng PAR kaninang alas-tres ng hapon, sa layong 1,470 kilometers silangan ng Hilagang Luzon. In the next six to twelve hours ay nasa loob na ng PAR ang LPA na ito. And in the next 24 to 36 hours ay posibleng maging isang bagyo na ang LPA sa loob ng PAR,” saad ni weather specialist Ariel Rojas.

Sakaling maging tropical depression ang LPA sa Hilagang Luzon, ayon sa PAGASA ay papangalanan itong “Fabian”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?