0
views

By

LPA namataan sa silangan ng Mindanao

Sharing is caring!

Minomonitor ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao.

Naispatan ang LPA sa 715 kilometers east ng Surigao del Norte, ayon sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA ngayong Biyernes.

Samantala, magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Compostela Valley.

Patuloy namang makakaapekto ang habagat sa kanlurang bahagi ng bansa ngayong araw.

Magdadala ito ng pag-ulan sa Western Visayas, Palawan, Mindoro, Zambales, Bataan, Cavite at Batangas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?