56

LPA namataan sa Mindanao

Binabantayan ng PAGASA ang isang low-pressure area (LPA) na naispatan sa Mindanao.

Ayon sa PAGASA, maaaring hindi pumasok sa bansa ang LPA at mababa rin umano ang tsansa nito na maging ganap na bagyo.

Huling namataan ang LPA sa layong 1,290 kilomtero east-southeast ng Mindanao.

Magiging maulap naman ang kalangitan ng Mindanao na may isolated rainshowers at thunderstorms.

Tuloy naman ang pananatili ng hanging amihan sa Luzon at Visayas. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?