95
LPA, namataan sa labas ng PAR
Mar 14, 2019 @ 19:53
By

LPA, namataan sa labas ng PAR

Isang low pressure area (LPA) ang naispatan sa labas ng Philippine area of responsibility.

Ayon sa PAGASA, namataan ito sa layong 2,335 kilometro silangan ng Mindanao.

Posible umanong pumasok ang namumuong sama ng panahon sa PAR sa Marso 17.

Magpapaulan naman ang trough o extension nito sa Davao Region, Caraga Region at Soccsksargen.

May mahinang ulan naman na mararanasan sa Metro Manila bukas, Marso 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?