18

Sep 20, 2020 @ 21:00
By

LPA naging tropical depression ‘Marce’ na

Naging ganap nang Tropical Depression ang low pressure area (LPA) sa Palawan nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa Pagasa, ang TD Marce ay nagdudulot ng lakas ng hangin na 45 kilometers per hour, at pagbugso na umaabot sa 55 kph.

Ito ay gumagalaw sa bilis na 15 kph, 1,275 kilometero east northeast ng Northern Luzon.

Inaasahan namang lumabas din sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa loob ng 24 ors.

Hindi rin inaasahan na magdudulot ng matunding pag-ulan ang naturang bagyo sa kalupaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?