59

Oct 7, 2021 @ 17:13
By

LPA lumakas, bagyong Maring na

Lumakas bilang Tropical Depression Maring ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Daet, Camarines Norte.

“At 2:00 PM today, the Low Pressure Area east of Daet, Camarines Norte developed into Tropical Depression #MaringPH,” anunsyo ng PAGASA.

Samantala, makakaapekto sa Luzon at Visayas ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ.

Inaasahan ang maulap at kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Region, Bataan, Zambales at Samar.

Magiging maulap din ang Metro Manila at iba pang parte ng bansa na may tsansa ng ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng ITCZ o localized thunderstorms.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?