67

Feb 10, 2018 @ 9:50

LPA inaasahang papasok ng PAR sa Linggo – PAGASA

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Amihan o northeast monsoon ang Cagayan Valley at Cordillera Administrative Regions, sa weather bulletin ng PAGASA nitong Sabado.

Aapekto rin ang northeast monsoon sa Ilocos Region, na may tiyansa ng ulan at bahagyang maulap.

Ang iba pang parte ng bansa ay bahagya ring magiging maulap ang papawirin na may tiyansa ng pag-ulan.

Magiging katamtaman hanggang sa malakas ang ihip ng hangin sa Central Luzon, northern Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.

Samantala, tinataya ng PAGASA na papasok ng Philippine Area of Responsibility ang low-pressure area (LPA) sa Linggo o Sabado, sa 420 kilometro ng silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Inaasahan ding lalakas ang LPA tungo sa tropical depression nitong Sabado at magla-landfall sa pagitan ng dakong timog ng Visayas at hilagang Mindanao sa susunod na linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?