By

LP senators kay Diokno: Manhid at walang puso sa mga guro

Sharing is caring!

Abot-abot ang pagtuligsa ng mga senador na kasapi ng Liberal Party (LP) kay Budget Secretary Benjamin Diokno dahil sa agad nitong deklarasyon na hindi prayoridad ngayon ang pagbibigay ng umento sa mga public school teacher.

Sa joint statement nina Senate minority leader Franklin Drilon, Senator Kiko Pangilinan at Senator Bam Aquino, sinabing manhid at walang puso si Diokno.

Ayon kay Pangilinan, pangulo ng Liberal Party, hindi dapat ganito ang trato ni Diokno sa mga public school teacher.

Pinaalalahanan si Diokno na ang ang mga guro ang tagahubog ng kinabukasan ng bansa dahil sila ang nagtuturo sa mga kabataan.

“It’s not certainly the way to treat our public school teachers, who have been seeking government’s help for higher salaries and additional benefits so that they can live decently,” pahayag ni Pangilinan.

Binira rin ni Drilon si Diokno dahil sinarhan ang pinto para sa umento samantalang may kakayanan at kapangyarihan naman aniya si Diokno na maghanap ng pondo para sa umento ng mga ito.

Diin ni Drilon, kung nahanapan ng pondo ang pagdoble ng sweldo ng mga pulis at sundalo, walang dahilan na hindi ito magawa para sa mga guro.

“Instead of slamming the doors on the plea of the teachers, Secretary Diokno should use his wise judgment and skills to find the funds and put money where it is most needed. Investments on the country’s human resources, especially our teachers, can never go wrong,” diin ni Drilon.

Sinabi naman ni Aquino na hindi dapat pagkaitan ng umento ang mga guro dahil tulad din sila ng mga sundalo, pulis at buong sambayanan na kailangan ng dagdag na panggastos dahil apektado rin ng pagtataas ng presyo ng gasolina, pagkain at iba pang bilihin nang dahil sa bagong Tax reform law.

Binigyang-diin pa ni Aquino na hindi man nag-aarmas ang mga guro gaya ng mga pulis at sundalo, nag-aalay din sila ng dedikasyon at sipag para mabigyang edukasyon ang mga kabataan.

“Gaya ng sundalo at pulis, gumagamit din sila ng gasolina, bumibili ng pagkain at iba pang gastusin na nagtaas na dahil sa TRAIN law,” ayon kay Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?