41

Nov 30, 2017 @ 19:26
By

LP sa Palasyo: Linawin ang isyu ng revolutionary government

Nanawagan ang Liberal Party sa Malakanyang na linawin ang tunay na paninindigan nito sa Revolutionary Government.

“Nananawagan tayo sa pamahalaang ito na sabihin nang walang pasubali na hindi ito magdedeklara ng isang revolutionary government upang mawakasan na ang agam-agam ng mamamayan,” saad ng partido sa isang statement.

Iginiit ng LP na ang multo ng kaguluhan, destabilisasyon at pagpapatalsik na idinadaing ng administrasyon ay kayang remedyuhan sa ilalim ng kasalukuyang Konstitusyon.

“Hindi opsyon ang isang rebolusyunaryong gobyerno sa ilalim ng Konstitusyon, maliban kung ang tunay na layunin ay isang diktadura, na magbabalik sa atin sa madilim na kabanata ng ating panahon,”giit ng LP.

Nangangamba ang partido na naglalayon ang kasalukuyang administrasyon na lituhin ang publiko sa pamamagitan ng magkakahalu-halong mga mensahe. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?