113

Oct 2, 2017 @ 17:40

LP, nasa likod ng fake news – Sotto

Tahasang tinukoy ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto ang Liberal Party na nasa likod ng fake news hinggil sa kontrobesyal na resolusyon sa Senado kaugnay sa extrajudicial killings.

Ayon kay Sotto, natukoy na ng NBI-Cybercrime Division ang mga taong nasa likod ng mga blog gayundin ang kanilang mga website na hinahawakan.

Pinangalanan ni Sotto ang isang Cocoy Dayao na direktang sangkot sa fake news na anya’y dating konektado sa Presidential Communications and Operations Office (PCOO) sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Dahil dito, ipatatawag anya sa pagdinig bukas (Miyerkules) ang mga bloggers kasama na ang mga nakatuklas ng mga nasa likod ng fake news na kinabibilangan ng blog na Thinking Pinoy.

Tiniyak ni Sotto na kakasuhan nya ang mga nasa likod ng kontrobersyang ito lalo na kung may mga senador na mapatunayang sangkot dito.

“Libel yan, hindi ko patatawarin yan nagkamali sila. Sa dami ng titirahin nila kinana nila ako ng false na balita,” pahayag nii Sotto.

Naniniwala rin si Sotto na posibleng bahagi ito ng destablization plot laban sa Duterte administration.

“Palagay ko dahil papunta kay Duterte rin yun dahil pinalalabas mga sipsip kami, pinalalabas lapdog kami,” dagdag ni Sotto.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?