111
bam-aquino1
By

LP makikipagkoalisyon sa ibang partido para sa 2019 elections – Bam

Sharing is caring!

Malamang nang makipagsanib-pwersa ang Liberal Party sa iba’t ibang partido pulitikal, non-government organizations at iba’t ibang sektor para sa eleksyon sa 2019.

Sinabi ni Senador Bam Aquino, kasapi ng LP, na nagaganap na ang mga pag-uusap para sa posibleng koalisyon.

Tumanggi itong magbanggit ng pangalan ng mga tao at grupong kausap ng LP para hindi niya mapangunahan.

Tinitiyak naman na ikagugulat ang makakasama ng LP sa koalisyon at sa binubuong senatorial ticket dahil hindi “tradisyunal”, mayroong taga-NGO at may mga manggagaling sa simbahan.

Nagpahapyaw si Aquino na may makakasama rin sila na naging kabanggaaan sa nakalipas na eleksiyon.

Ayon pa kay Aquino, kailangan ngayong magsama-sama para makabuo ng tunay na oposisyon bagaman mayroon pang ilang grupo na natatakot at nahihirapan pang lumantad dahil sa stiwasyon ngayon sa pulitika.

“Right now, ang magiging porma ng opisisyon, hindi lang isa o dalawnag partido. Ito ang mga galing sa iba’t ibang grupo, iba’t ibang sektor,” ayon kay Aquino.

“Kahit masabi natin baka in the past nag-aaway-away pero ngayon kailangang magtulungan at magsama-sama rin, ang bagong mukha po ng opisisyon ay ang taong-bayan,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?