207
lp
By

LP bubuo ng resistance coalition para sa 2019 elections

Sharing is caring!

Magtatatag ng koalisyon ang Liberal Party (LP) para matapatan ang magiging mga kandidato sa pagkasenador at iba pang posisyon ng partido ng administrasyon na PDP Laban.

Tatawagin aniya ito na Resistance Coalition na lalaban sa diumano ay mga anti-people na polisiya ng administrasyon.

Kabilang umano sa kanilang lalabanan ang pagsakop ng China sa West Philippine Sea, ang extrajudicial killings, katiwalian at kawalan umano ng polisiya laban sa unemployment at tumataas na presyo ng bilihin

Ayon kay Panglinan, malamang nang makabilang sa senatorial slate ng Resistance Coalition sina Sen. Bam Aquino, dating Quezon Province Rep. Erin Tanada, Free Legal Assistance Group (FLAG) chairman Jose Manuel “Chel” Diokno, Magdalo Rep. Gary Alejano at dating Akbayan party-list Rep Barry Gutierrez.

Kinukumbinsi naman umano nilang kumandidato ang singer – actress na si Agot Isidro para makabilang sa kanilang senatorial slate.

Ikinukonsidera rin umano si ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno pero hindi pa ito kinakausap ng LP dahil hindi nagpapahayag ng interest na kumandidato

Kinukumbinsi pa rin bagaman umayaw nang kumandidatong muli sa pagkasenador si dating Senador Mar Roxas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?