16

Jan 20, 2021 @ 17:49
By

Loyzaga eeksena sa TOPS Usapang Sports

Sentro ng talakayan ng “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom, Huwebes, ang gaganaping Women’s Baseball World Cup sa Tijuana, Mexico at 30th Winter Universiade sa Lucerne, Switzerland, Huerta.

Bibida sa 10am sports session si Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga upang talakayin ang tsansa ng Philippine team sa Women’s World Cup na nakatakda sa Marso 1-9.

Umaasa ang National under-23 team na magtatagumpay sa nasabing torneo at ma-improve ang kanilang world ranking na No. 15.

Samantala, eeksena rin sa weekly sports forum si Federation of School Sports Associations of the Philippines (FESSAP) executive vice president Robert Calo na ibabahagi ang pagsali ng bansa sa Winter Universiade sa Lucerne sa Disyembre 11-21.

Makakasama rin sa programa sina figure skating champion Misha Fabian, nirepresenta ang bansa sa Winter Universiade sa Krasnoyarsk, Russia noong nakalipas na dalawang taon, at coach nito na si Ronan Capili.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga officer, member at kasama sa sports community na makiisa sa weekly session handog ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB). (JAToralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?