138

Oct 10, 2017 @ 11:12

Loydi kay Ellen, ‘Maganda sa ibaba’

Mistulang bata sa kanilang pamamasyal sina Ellen Adarna at John Lyod Cruz sa Morocco dahil na rin sa mga photo na pinoste nila sa kanilang Instagram, nang mga lugar na pinupuntahan nila.

Sa IG wall ni Ellen na @maria.elena.adarna, nagsasagutan ng kanilang comments sina Ellen at John Lloyd dahil isang kalyeng pinuntahan nila na iba-iba ang kulay ng mga pinto at bahay.

Walang makikitang image ninuman nina Ellen at John Lloyd ang photo dahil nahihilig ngayon ang aktor sa photography.

Lahat ng mga lugar na maganda sa paningin niya ay kinukunan nito ng photo at pinoposte.  Ganundin si Ellen, gaya nga nitong colored street na ito.

Nag-comment pa si John Lyod, @ekomsi, “nuxx..di ko naisip tumingala eh. Sobrang ganda na kasi na nang nakikita ko sa baba, @maria.elena.adarna.”

Tawa lang in words ang isinagot ni Ellen sa comment ni John Lloyd.

Yun nga lang nabigyan nang malisya ang naging komento ni John at nilalagyan ito nang sexual meaning ng kanyang following.

@jesssantos333, “Nux!! Nainlove ng todo todo sa ibaba si Papa JL maganda siguro talaga sa ibaba. @ekomsi, maganda siguro talaga ang nakikita mo sa ibaba.”

Wala nang gaanong bashers sa napapabalitang relasyon nina Ellen at John Lloyd.  Marami sa mga followings sa IG account nang sexy actress na sumusuporta sa kung anuman ang meron silang dalawa ngayon.

@mariedel186, “stay inlove guys.”

@iamlukjudge, “@ekomsi, Stay happy, I love you two @maria.elena.adarna. God bless.” (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?