8

By

Lowry hindi pa nakakausap si Kawhi sapul nang ma-trade

Sharing is caring!

Matandain ang players, lalo sa mga nakakabungguan nila sa court.

Pero si Kyle Lowry, walang maalalang pagkakataon na nagkausap na sila ng bago niyang teammate sa Toronto na si Kawhi Leonard.

Baka nga hindi pa sila nagkakausap. Kilala din si Leonard na tahimik, bihirang magsalita.

Mula nang i-trade ng San Antonio papunta ng Raptors, hindi nagsalita sa publiko si Leonard.

Kapalitan ni Leonard mula Toronto si DeMar DeRozan, best friend ni Lowry na naiwan sa Raptors.

Sa USA Basketball minicamp sa Las Vegas, natanong si Lowry kung maayos ang samahan nila ni Leonard. Sagot ng Toronto guard: No.

Sinundot ulit: Have you spoken to him?

“I don’t know,” sagot ni Lowry. “I don’t know if I have spoken to him.”

Sa Las Vegas pa rin, sinalag ni Lowry ang mga tanong tungkol kay DeRozan.

Pilit inililigaw ang mga tanong papunta sa best friend, mahusay umiwas si Lowry.

“It’s been a great week for USA Basketball for me,” sagot ni Lowry nang tanungin kung ano ang masasabi sa pag-trade kay DeRozan. “Being out here with these guys and hanging out and getting to talk and hang out with these guys and hanging out with DeMar and all those guys, it’s been fun.”

Paano kaya ang komunikasyon nila ni Leonard kapag magkasama na sa court? May ilang buwan pa naman, baka mag-uusap din sila. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?