19

Lowry, DeRozan humataw sa Raptors vs Suns

Sharing is caring!

Naipako ng Toronto Raptors ang kanilang ika-pitong sunod na panalo upang umakyat sa 9-1 ang record nila sa kanilang home court sa paggiba sa Phoenix Suns, 126-113, sa Air Canada Centre.

Ang tala na ito ng Raptors na panalo sa kanilang home court ang best home record sa kasalukuyang season sa NBA.

Nasa ikatlong posisyon sa East ang Raptors at nagawang makipagsabayan sa Boston Celtics sa standings.

Pitong Raptors (15-7) ang nagtulong at nakapagbuslo ng double figures na sina DeMar DeRozan (20 points, 8 assists), Kyle Lowry (20 points, 10 assists), rookie OG Anunoby na may 16 points sa 4-of-5 shooting habang si C.J. Miles ay nakasungkit naman ng 15 off the bench.

May naipasok ding 19 points si Serge Ibaka, at sina Jakob Poeltl at Fred VanVleet ay may 13 bawat isa.

Inilabas naman ng court sa natitirang tatlong minuto ng laro si Devin Booker ng Suns (9-17) dahil sa injury sa kanyang hita.

Buong laro ay lamang ng double digits ang Raptors kung saan may 42 points ito sa third quarter para makuha ang 97-79 kalamangan pagtungtong ng fourth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?