27

By

Lowry bumida, Raptor nakatabla sa Bucks

Matapos ang 2-0 lead ng Milwaukee Bucks sa pagsisimula ng serye, nakabalikwas ng sariling two-game win streak ang Toronto Raptors, 120-102, para maikasa ang virtual best of three series sa Eastern Conference finals.

Nanguna para sa Toronto ang veteran guard na si Kyle Lowry, pumuntos ng 25, sahog ang six assists at limang rebounds, habang may 19 points at seven boards naman si Kawhi Leonard.

Apat pa ang tumungtong sa double digit scoring para sa Toronto, lumingkis ng 17 sina Norman Powell, Marc Gasol at Serge Ibaka na dumagdag ng 13 rebounds.

Samantala, sinubukang buhatin ni Giannis Antetokounmpo ang Bucks sa kanyang 25 points at 10 rebounds, habang may 30 naman si Khris Middleton.

Sa pagsisimula ng fourth quarter, lamang ng trese ang Raptors, 94-81, pinalawig pa ang abante matapos ang 10-3 scoring blitz sa pangunguna ni Fred VanVleet.

Hindi na nakabangon ang Bucks na umabot pa ang lamang sa bente, 104-84.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?