89

Dec 31, 2017 @ 11:05

Low-pressure pumasok na sa PAR

Nasa Philippine Area of Responsibility na ang isang low-preassure area na may layong 960 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay posibleng maging isang bagyo at tatawagin itong Agaton na inaasahan namang tatama sa kalupaan sa Lunes, Enero 1.

Magkakaroon na ng sama ng panahon sa Eastern Visyas at Eastern Mindanao kung saan inaasahang tamama si Agaton sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga.

Samantala, sinabi ng PAGASA na ang buntot ng cold front ay magbibigay ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Uulanin din ang Cagayan Valley at Cordillera Administrative Regions, Aurora, at Quezon dahil naman sa northeast monsoon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?