23

Aug 5, 2022 @ 18:43
By

Lovi sunod sa yapak ni FPJ, nagbukas production company

Sunod sa yapak ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. ang anak niyang si Lovi Poe.

Ito’y matapos buksan ni Lovi ang sarili niyang film production company na C’est Lovi Productions.

Ibinahagi ni Lovi sa Instagram ang naturang balita.

“This is it! I’m excited to share the news of finally launching C’est Lovi Productions. It’s been a passion of mine to be in the business of making films in front of the camera for a number of years already, and as I continue to do that I’d like to be behind the camera too and develop projects from the beginning. Importantly, I want to join forces with people who share the same passion and make films that would help the world recognize Filipino talent either behind or in front of the camera,” wika ng aktres.

Aniya, kung ang erpat niya ay may FPJ Productions, inilunsad naman niya ang C’est Lovi upang mabigyan ng spotlight ang mga pelikula na magaganda ngunit hindi gaanong kilala.

“There was FPJ Productions… and I hope C’est Lovi Productions can continue that legacy, and bring Filipino stories — especially those independent, lesser known but equally good ones — internationally,” aniya.

Makakatuwang ni Lovi sa kompanya ang kanyang jowa na si Montgomery Blencowe na tatayong executive.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?