By

Lovi, Rhian, Max mga ‘gaga’ sa tingin ni Jason Abalos

Sharing is caring!

Exciting ang feeling ni Jason Abalos sa pagpasok ng 2018. May regular show na siya sa Kapuso Network matapos lumayas sa Kapamilya last year, ang ‘The One That Got Away’.

“Panibagong pinto ang nabuksan,” sabi ni Jason.

Lalabas siya bilang kapatid ni Lovi Poe na isa sa mga bidang babae. Pero kilala na rin niya ang dalawa pang female leads na sina Max Collins at Rhian Ramos.

“Masarap silang katrabaho dahil natural silang gaga! Ha! Ha! Ha!” biro ng aktor. “Hindi nauubusan ng energy ang tatlong babae na ‘yan!” dagdag niya.

Never daw pinaramdaman ng tatlo na bagong salta lang siya sa network.

“Kaya nga nakapag-blend agad ako sa kanila. Ang babait nila. Hindi ka nila hahayaang maging outcast,” katwiran pa ni Jason. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: