14
squad
By

Lovi, Rhian, Max #barkadagoals

Sharing is caring!

Hindi lang sa OOTDs ng The One That Got Away cast nakasubaybay ang Kapuso viewers gabi-gabi.

Sila kasi ngayon ay tinaguriang #BarkadaGoals dahil sa ‘one for all, all for one’ attitude nito sa isa’t isa lalo na nang mabastos si Zoe (Rhian) sa mismong event na inorganisa nito para sa launch ng kanyang swimwear line.

G na g kasi sila Darcy (Max Collins) at Alex (Lovi Poe) nang may nanghusga agad dito mula sa audience.

Siyempre, hindi rin papahuli ang kanyang Boo na si Gael (Jason Abalos) na siyang pak na pak rin ang galit sa isang lalaki matapos bastusin ang kanyang girlfriend dahil sa nagkalat nitong photo scandal.

Marami sa followers ng programa, ang daming hugot na naisip ukol dito. Isa na nga ay ‘Mabuti pa sila, walang iwanan pero ikaw, nilaglag mo ako nang ganun na lang.’ Nakakaloka, huh! Iba talaga ang good vibes na hatid ng sexy rom-com series na lalong naging exciting ang mga susunod na episodes dahil sa nalalapit na ang finale nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?