37

Sep 16, 2021 @ 13:13
By

Lovi Poe Kapamilya na!

Isa ng ganap na Kapamilya si Lovi Poe matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ngayong Huwebes.

Binigyan ng red carpet welcome ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak at ng iba pang big boss ng network si Lovi sa kanyang contract signing ceremony.

Thankful naman si Lovi sa naging karera niya sa GMA-7.

“I would like to thank GMA for taking a chance on this unknown dreamer; for believing in me and supporting me all these years. I have utmost respect and gratitude to the network that has given me my roots and a heart full of memories,” pahayag ni Lovi sa Instagram.

“Thank you for planting my dreams. Thank you for giving it time, love and effort to water it,” dagdag pa niya.

Isang versatile actress si Lovi dahil bukod sa pag-arte ay isa rin itong recording artist. (MJD)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?