74

Dec 2, 2017 @ 10:54
By

Lovi napikon, galit na galit sa katrabaho

Maagang puno ng hugot ang tweet ni Lovi Poe nu’ng isang araw na parang may pinatatamaan, although wala naman siyang binanggit na pangalan.

“I get up extra early to get to work on time even if I came back from work the night or a few hours before. I don’t know why some people can’t do the same. Ugh. Some people just don’t respect other people’s time,” unang tweet ni Lovi.

Dugtong niya, “I hate getting angry…what a way to start December…anyway…wooooaaaaa…Christmas is coming!”

Naku, sino kayang katrabaho niyang ito ang kinabubuwisitan ni Lovi ngayon? Aba, kilala ko si Lovi na hindi masyadong magagalitin, at kahit napapalibutan siya ng isyu, lagi siyang compose at mahinhin at malumanay pa ring magsalita.

Pero, mukhang sumabog nga siya this time, ha! Naku, ayusin n‘yo yan!

Anyway, sa halip na ma-stress pa nang husto dahil sa inis, naglabas na lang siya ng sketch na may nakalagay na salitang, ‘Grow positive thoughts.’ Tweet niya, “Let’s turn that around shall we?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?