175

Dec 9, 2017 @ 16:11
By

Lovi mahihirapang kabugin si Maine sa DKNLK

After Maine Mendoza na bonggang-bongga ang rating sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’, si Lovi Poe naman ang magpapasiklab, ha! At medyo pressure ito sa part ni Lovi dahil ang taas nga ng rating nu’ng episode na nauna sa kanya, na kuwento tungkol sa tsismosa. Mahirap ngang kabugin ang taas ng rating na ‘yon ni Maine last week, ha!

Anyway, bukas ng gabi (Linggo), dahil malapit na ang Pasko at uso na naman ang pagreregalo sa mga monito at monita, excited ang mga bata sa mga matatanggap nila. Pero disappointed si Elvis nang makitang sabon ang iniregalo sa kanya. Dahil sa reaksyon ni Elvis, maikukuwento ni Lola ang tungkol sa mag-asawang sina Monito at Monita.

Mahirap lang sina Monito (Benjamin Alves) at Monita (Lovi), pero araw-araw nagsisipag si Monito para makahanap ng trabaho. Minsan nga, maiisip niyang isangla na lang ang relo niya para may pera silang panggastos pero pipigilan siya ni Monita. Ito na lang kasi ang natitirang pamana ng mga magulang ni Monito sa kanya.

Dahil sa Pasko, kapwa sila patagong namomroblema sa kung ano ang ireregalo sa isa’t isa.

Ang tanging meron si Monita ay ang kanyang mahabang buhok na gustong-gusto ng asawa niya. Minsan pa nga, si Monito na mismo ang nagsusuklay kay Monita kaya mapapansin niyang luma na at sira-sira na ang suklay ni Monita.

Patagong isasangla ni Monito ang relo niya para mabilhan si Monita ng magandang suklay at pang-ipit sa buhok. May mga perlas at diyamante pa ang mga nabili niya.

Unknown to Monito, nagpagupit pala si Monita at ibinenta ang buhok niya para mabilhan naman niya ng gold chain si Monito para sa relo nito.

Magugulat na lang ang dalawa dahil hindi naman pala magagamit ng isa’t isa ang mga binili nilang regalo. Pero imbes na mag-away sila o ma-frustrate, mare-realize nila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Maa-appreciate nila ang sakripisyo ng bawat isa, dahil pareho silang willing na i-let go ang mga bagay na importante sa kanila para sa isa’t isa.

Sa huli, ipapaalala ni Lola sa mga apo na lahat ng regalo, maliit man o malaki, ay dapat na-a-appreciate at ipinagpapasalamat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?