10

By

Lovi, itinanggi na live-in na sila ng American BF

Sharing is caring!

Mariing itinanggi ni Lovi Poe ang usap-usapang nagli-live in na sila ng kasintahan niyang American event specialist na si Chris Johnson.

Base kasi sa mga naunang Instagram photos ni Lovi, makikita si Chris sa loob ng bahay ng Kapuso actress na nakapambahay lang habang nanonood ng sports game o kaya ay magkasama lang sila sa sala.

Inakala ng marami na nagsasama na ang dalawa sa iisang bahay at sa bahay ‘yun ng aktres.

Pero sa presscon ng “The Significant Other” ay pinabulaanan ito ni Lovi at sinabing imposible na magsama sila ni Chris dahil magkaiba ang place of work nilang dalawa.

Ang trabaho ni Chris ay sa Makati, samantalang ang sa kanya ay sa QC. Sey pa ng aktres, long distance nga raw ang relasyon nila sa traffic mula QC at Makati.

Hindi raw puwedeng lumipat si Lovi sa Makati para lang kay Chris dahilsa QC ang work niya. Gayundin naman si Chris sa QC dahil ang opisina nito ay sa Makati.

Ang pagsasama sa iisang bahay ang hindi napag-uusapan at napag-iisipan nina Lovi at Chris.

Kung sakali raw darating ‘yung time na ‘yun, hindi naman isinasara ng aktres ang posibilidad nito.

Seryoso man si Lovi sa relasyon nila ni Chris, mukhang matatagalan pa bago siya pakasal sa kasintahan.

Nasa expression ng mukha ni Lovi na hindi talaga siya interesado sa kasal sa mga susunod na buwan o taon.

Ayon sa kanya, marami pa siyang gustong gawin sa buhay na magagawa lang niya kung hindi siya kasal.

Tiniyak naman ni Lovi na walang ‘love child’ na lalabas sa kanila ni Chris habang magkasintahan sila.

Ang pagkakaroon ng anak bago ikasal ay malayo sa pangarap o priority ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?