109

Oct 22, 2017 @ 11:59

Lovi at Erich sampalan noon, super-friends ngayon

OUT of context ang deskripsiyon ni Lovi Poe sa kumalat na balitang nagkasamaan sila ng loob ni Erich Gonzales matapos ang makatotohanang away nila sa kinunan na eksena sa shooting ng The Significant Other.

Ayon kay Lovi, kulang ang video na kumalat sa social media, kaya lumabas na talagang nag-away sila ni Erich. Pero giit ni Lovi matapos ang eksena ay hindi sila nagtanim ng galit sa isa’t isa ni Erich.

Ibinabato ni Lovi sa kanilang direktor na si Joel Lamangan ang dahilan ng totohanang sakitan nila ni Erich sa eksena. Malakas at totoong sampal ang ipinatikim ni Lovi kay Erich.

Sabi ni Lovi, ‘yun ang gusto ni Direk Lamangan na totohanin nila ang eksena para lumabas ang natural nilang acting.

Anyways, wala raw nabago sa friendship nina Lovi at Erich. Nag-uusap pa rin sila ni Erich at excited na silang mapanood ang kanilang pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?