128

Nov 29, 2017 @ 20:00
By

Loverboy, todas sa tarak ng karibal

Namatay ang isang lalaki sa pagtatangka nitong mapa-ibig muli ang dating live-in partner ngunit ito ang naging mitsa ng kanyang buhay sa Las Piñas City kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Las Piñas Doctors Hospital ang 26-anyos na biktima na si Mark Villarin, residente ng Barangay Pansol, Quezon City.

Samantala, naaresto naman ang suspek na si Arstel Arnaiz, 21, ng Barangay CAA, sa lungsod.

Base sa imbestigasyon, dinalaw ni Villarin ang dating kinakasamang si Riza Balasag, na live-in partner na ni Arnaiz.

Sa pag-uusap ng dalawa, pumasok sa eksena si Arnaiz at hinamon siya diumano ng suntukan ni Villarin.

Ngunit hindi na pinaporma ng suspek ang biktima at bigla na lang niya itong sinaksak.

Nahaharap na ngayon sa kasong homicide si Arnaiz. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?