409
thompson

Love, Thompson nakaiwas sa suspensiyon

Nahatulan na sina Cleveland big men Tristan Thompson at Kevin Love sa pakikipag-away sa Game 1 ng NBA Finals noong Huwebes (Biyernes sa Pinas).

Sa ginawang rebyu, determinado ang liga na hindi suspendihin sa Game 2 sina Love at Thompson.

Nangyari ang insidente sa papatapos nang overtime, sa panalo ng Golden State.

Natawagan ng flagrant 2 foul si Thompson laban kay Warriors guard Shaun Livingston.

Na-eject sa laro si Thompson at sinampal ng bola sa mukha si Draymond Green bago siya lumabas ng court.

Tumayo mula sa bench si Love para iapela ang tawag ng reperi at pumunta sa court habang nagbabangayan sina Thompson at Green.

Pero dahil umano bumalik din sa bench si Love, hindi na ito sinuspinde ng NBA habang pinagmulta na lang si Thompson ng $25,000 at naibaba sa flagrant 1 ang foul niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?