9

Sep 27, 2020 @ 14:12
By

‘Love, Rosie’ star Lily Collins ikakasal na!

Engaged na si aktres Lily Collins sa kanyang direktor na dyowa na si Charlie McDowell.

Pinakita nila sa social media ang singsing ng babae.

“The purest joy I’ve ever felt,” sambit ni Collins.

“In a time of uncertainty and darkness you have illuminated my life. I will forever cherish my adventure with you,” sey naman ni McDowell.

Sa hiwalay na Instagram post, sinabi ng 31-anyos na English-American actress na hindi na siya makapaghintay na makasama ang 37-anyos na American film director panghabang-buhay.

Last year lang nila kinumpirma ang kanilang relasyon sa pagpo-post ng mga larawan nilang magkasama sa Paris, France.

Kilala si Lily sa pagganap sa rom-com film na “Love, Rosie” at sa urban fantasy film na “The Mortal Instruments: City of Bones”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?