107
love

Love naumpog ang ulo, umeksit sa Game 6

Hindi na pinaglaro si Cavaliers forward Kevin Love matapos maumpog ang ulo nito sa Game 6 ng Eastern Conference finals.

Nagkabungguan ng ulo sina Love at Jayson Tatum ng Celtics sa kalagitnaan ng first quarter kung saan hindi agad nakatayo mula sa pagkakahiga ang una dahil sa lakas ng impact.

Naitayo si Love at inalalayan ni guard George Hill pero kitang mahilo-hilo pa ito habang naglalakad papunta sa bench.

Sandali lang naupo sila Love at pumunta rin siya sa locker room para masuri.

Inilabas si Love sa game pa na rin sa pag-iingat sa kalusugan nito habang nanatili sa laro si Tatum.

Pinalitan si Love ni Jeff Green, na siyang nagpainit sa Cavs para sa 54-43 halftime lead.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?